Waiting to be devirginized

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 08 Aug 2019 18:00:20 +0000

 

rica cruz - sexy mind answers

Dear Ms. Rica,

Two years na po kami ng boyfriend ko at so­brang mahal po namin ang isa’t isa. We share a lot of common inter­ests. Masaya din po kami kapag magkausap. We tell each other every­thing. Pero, hindi pa po kami nagsesex! Sabi niya sa akin, kailangan daw namin maghintay until marriage. Kahit minsan pong sinasabi ko na sa kaniya na gusto ko na i-give up ang virginity ko para sa kaniya, ayaw pa rin niya. Wait daw po kami hanggang ikasal. Pero, kailan pa yun? Nag­tataka na tuloy ako kung mahal ba niya talaga ako o baka nagche-cheat siya sa akin.

Tulungan niyo naman po akong intindihin.

                                                                                                Don’t Wana Be A Virgin

 

Hello Don’t Wana Be A Vir­gin,

To tell you bluntly, boy­friend mo lang ang may alam ng dahilan kung bakit ayaw pa niya makipag-sex sa iyo. Pero, hindi dahil gusto niyang maghintay hanggang ikasal kayo bago makipagsex ay na nagche-cheat na siya. Iba iba ang mga values ng tao when it comes to sex, katulad ng nararanasan mo with your boyfriend – ikaw ready na, siya ayaw pa. It may be best to talk about your different values and to look for common ground para hindi kayo mapressure sa isa’t isa.

You can also talk about what sex means to the both of you. Baka naman kasi meron pang mga ibang bagay other than sex na pwedeng makapagbigay sa inyong dalawa ng same meaning. It may also be helpful if you evaluate your reasons of wanting to have sex with him. Bakit nga ba at para saan? Sabi mo, gusto mo na i-give up ang virginity mo para sa kaniya, pero para sa marami, ang pakikipagsex ay ginagawa dapat unang-una, para sa sarili. Kaya, baka kailangan ay pag-isipan mo pa maigi ang desisyon na ito.

Importante ang pagka­karoon ng trust sa isang relationship. Kaya bakit mo naman biglang naisip na baka nagche-cheat siya sa iyo? May mga ginagawa ba siya na kaduda-duda? O baka naman naisip mo lang ito dahil sa mga experience mo sa ibang tao? Whatever it is, makakatulong kung tanungin mo ang sarili mo kung genuine ba ang tiwala mo sa iyong boyfriend.

Ultimately, kailangan niyo ring isipin kung pareho ba kayong satisfied sa inyong relationship. Ano pa ba ang kailangan at pwede niyong maibigay sa isa’t-isa? Will­ing ba kayo parehong punan ito? Kung hindi, then it might also be time to think about the future of your relation­ship at kung tama pa bang maghintay hanggang kayo ay ikasal. Good luck!

With Love and Lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may mes­sage me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_rica­cruz.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Mar­riage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resi­dent Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

http://tempo.com.ph/feed/