Hampasin kita ng biceps ko eh!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 09 Sep 2019 10:30:38 +0000

 

aex alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

Nakita ko ang nangyayari sa Hong Kong. Ang tindi ng mga rally. At ang gugulo nila. Nakakatakot tuloy pumunta! Ang nakakapagtaka lang, magkakamukha sila pero alam nila kung sino ang magkakampi! Paano kaya nila nalalaman?

                                                                        Parry ng Sta. Rosa, Laguna

 

Hi Parry,

Napaka-racist mo! Kahit naman tayo, magkakamukha rin! Hampasin kita ng biceps ko eh!

Hi Alex,

Gustong-gusto ko ang Showtime! Alam kong writer ka dun. Fan mo ako at saka si Vice Ganda! Gusto ko manuod ng live dahil gusto kita makita at si Vice Ganda! Papapicture ako sa’yo at kay Vice Ganda! Nakakatawa ka kasi at si Vice Ganda! Gusto ko manuod! Sana mapagbigyan mo ako para makita kita sa personal at si Vice Ganda! Papaano ba ako makakapunta sa Showtime at makakapanuod ng live!

                                                                        Donnalyn ng Malibay, Pasay City

 

Hi Donnalyn,

Wag na tayo magplastikan! Hindi ako ang gusto mo makita! Si Vice Ganda! Charot-charot ka! Paano makakapunta sa Showtime? Depende kung saan ka manggagaling! Lagi na lang ako tinatanong kung paano makakapunta sa Showtime. Pwedeng sumakay ng jeep, mag-MRT, mag-bus, kung walang pera, maglakad! Kapag may pera, mag-taxi o mag-Grab! Hanapin mo lang ang ABS-CBN. Kapag nakita mo yung Tower, yun na yun! Kung gusto mo manuod at makita si Vice Ganda, eto ang link: https://ktx.abs-cbn.com!

Hi Alex,

Hindi ko alam kung pwede ito sa column mo. Malapit na kasi ang birthday ng misis ko. Pwede bang batiin mo siya sa column mo. Ang pangalan niya ay Mariel. Pakibati naman para masaya a
http://tempo.com.ph/feed/