Banyo king

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 27 Nov 2019 16:45:07 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, la­hat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Kapag naliligo ang mister ko eh napakatagal. Dati, mabilis siya maligo, ngayon napakatagal! Kapag tinano­ng ko naman kung bakit siya matagal maligo eh hindi sumasagot! Bakit may mga lalakeng mabilis maligo at may matagal maligo?

Fely ng Makati City

Hi Fely,

Madaming mga dahilan sa tagal at bilis ng pagligo. Mabilis maligo kapag nagmamadali at male-late na sa pupuntahan. Mabilis maligo kasi malamig ang tubig. Sa matagal maligo, medyo may mga isasagot ako sa’yo na hindi mo magugus­tuhan. Maaring malinis sa katawan ang mister mo kaya matagal maligo. Matagal siya maligo dahil naghihilod at nag­kukuskos ng katawan. Maari rin naman na nagbabasket­ball siya sa banyo. Ang ibig sabihin nang nagbabasketball eh gumagawa ng milagro. Maaring sumama ang loob mo misis kasi bakit kailangan niya gumawa ng milagro eh may asawa naman siya. Kayo na bahalang mag-usap. Eto ang pinakahuling dahilan. Kapag dala niya ang cellphone niya sa loob ng banyo, malamang may kausap yan sa loob. Tanungin mo siya pero malamang hindi aamin yan!

*

Hi Alex,

Matagal na akong tumigil sa paninigarilyo at ngayon gumagamit ng vape. Nahi­rapan ako ng tumigil ako sa paninigarilyo at kung hindi dahil sa vape, malamang naninigarilyo pa rin ako ngayon. Pero bawal na din mag-vape kaya namromrob­lema ako kung ano ang ga­gawin ko! Hahanap-hanapin ko ang vape pero ayaw ko naman makulong! Ano ang gagawin ko?

Jasper ng Alabang

Hi Jasper,

Magvape ka pa rin. Kapag nahuli ka at nakulong, sa loob ng kulungan, pwede ka mag-yosi! Pwede ka naman bumalik sa pagyoyosi, nasa desisyon mo yan! Wag ka lang ma
http://tempo.com.ph/feed/