Panahon na naman ng bonus at raffle!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 09 Dec 2019 07:49:44 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Ang daming Christmas party ngayon. Kahit saan ka magpunta, puro party. Iba-iba ang theme at iba-ibang pakulo. Malapit na talaga mag-pasko. Balita ko Tito Alex, madalas kang magperform o mag-host sa mga Christmas party. Ano ang pinakamagandang Christmas party ang napuntahan mo?

                                               Joyce ng Marikina

Hi Joyce,

Madami na akong napuntahang Christmas party. Lahat OK naman. Minsan November pa lang, Christmas party na dahil mas mura kapag November, minsan naman January na kasi fully-booked na sa December. Ang mga pakulo lagi sa Christmas party eh pa-contest ng mga empleyado at pagsuot ng mga costumes. May 70’s, bohemian, Hollywood, Coachella, 80’s at kung ano-ano pa. May guest na mga artista at may mga sikat na banda. Pero ang laging hinihintay ng mga empleyado ay isa lang – RAFFLE! Yan lang naman ang mahalaga, wag na tayo maglokohan!

*

Hi Alex,

Magpapasko na at syempre, inaabangan na ng lahat ang BONUS! Tinatanong ko ang tatay ko kung nag-bonus na siya pero hindi pa raw. Tinanong ko rin si nanay pero hindi pa raw. May gusto kasi akong bilhing sapatos kaya gusto ko malaman kung may bonus na si tatay. Paano ko kaya malalaman kung may bonus na si tatay?

                                                Mildred ng Pateros

Hi Mildred,

Malalaman mong may bonus na si tatay kapag nakangiti na si nanay! Lalo mong malalaman kung may bonus na si tatay kapag
http://tempo.com.ph/feed/