Eba at Adan

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 11 Dec 2019 16:30:12 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may sulira­nin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Lagi na lang nakakal­imutan ng mister ko na suotin ang wedding ring namin. Sabi niya ay nagig­ing makakalimutin na raw siya. Pero lagi ko naman pinapatong sa tabi ng mesa niya para hindi niya makal­imutan. Minsan nga, linala­gay ko pa sa tabi ng relo at wallet niya. Nasusuot niya ang relo at hindi niya nakakalimutan ang wallet niya pero ang wedding ring, naiiwan. Lalo na kapag may lakad sila ng barkada niya, lagi niyang naiiwan! Kapag may overtime rin sila sa office, naiiwan niya ang wedding ring niya! Dapat na ba akong maghinala? May babae kaya siya? Ano kaya ang gagawin ko para hindi niya makalimutang suotin ang wedding ring niya?

                                                                       Karla ng Divisoria

Hi Karla,

Sa tanong mo kung dapat kang maghinala, hindi kita masisisi kung maghihinala ka. Kung may babae siya, malakas ang tsansang meron kasi nakaka­limutan niyang suotin kapag may lakad sila ng barkada o kaya may overtime siya sa office. Pero ito ay opinion ko lang. Dun naman sa kung ano ang gagawin mo para hindi niya makalimutang suotin ang wedding ring niya, ito ang siguradong effective. Ang gawin mo, tahiin mo o i-welding mo ang wedding ring mo sa daliri niya. Kung may babae siya, masaktan man siya sa tahi o welding, dapat lang sa kanya yun. Ngayon, para mat­igil talaga, yung wedding ring niyo, painitin mo hanggang magbaga. Kapag nagbabaga na, ipatong mo sa noo niya. Kahit hindi niya su
http://tempo.com.ph/feed/