Monday, October 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Babaeng sakay ng e-trike naipit ang binti sa karambola ng 5 sasakyan sa QC

Sugatan ang isang babae na sakay ng e-trike matapos masangkot sa karambola ng limang sasakyan sa Payatas Road, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 7. ABS-CBN News

MAYNILA — Sugatan ang isang babae na sakay ng e-trike matapos masangkot sa karambola ng limang sasakyan sa Payatas Road, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 7.

Ayon sa QCPD Traffic Sector 5, nabangga ng isang dump truck ang sinasakyang e-trike ng biktima na sumalpok naman sa isang MPV.

Kasama ng biktima sa e-trike ang kanyang asawa at anak na parehong nakaligtas.

Damay din sa karambola ang isang closed van, e-jeep, at isa pang e-trike.

Sa  imbestigasyon, binabagtas ng mga sasakyan ang palusong na bahagi ng Payatas Road nang mawalan umano ng preno ang dump truck sa hulihan.

May kargang graba ang dump truck na galing Rodriguez, Rizal at patungo sa direksyon ng Quezon City.

Nasa kustodiya na ng QCPD traffic sector 5 ang 35-anyos na driver ng dump truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nagpapagaling pa sa ospital ang babaeng biktima matapos maipit ang binti.

       

Leave a Reply