Miss Q&A candidate, inilahad ang KRISIS na kinakaharap nilang mga guro | It’s Showtime
Sabi nila, huwag nang balikan ang nakaraan, pero paano kung ang tunay na saya ay doon mo lang natagpuan? May mga ala-alang kahit luma na, hindi pa rin kumukupas. Magugulat ka na lang na habang nagbabalik-tanaw, mga ngiti mo ay kusang lumilitaw.
Palagi mang may bagong trending pakulo, may mga memories na hindi mabubura sa puso, katulad ng masayang samahan ng “It’s Showtime” family, na going strong at magse-seventeen years na together, mga bestie!
Napa-throwback din si Vice Ganda nang makita ang 2012 picture niya with a fan. Legit na ba ‘yan?! Oo, si Meme Vice na nga ang nasa larawan, hindi basta kamukha lang! Kaya hindi na-miss ni Meme at ng kanyang tagahanga ang chance na i-recreate ang throwback pic.
Hindi rin kumukupas ang beauty at wit nina Miss Q and A Kathryn Fernando Poe, Jr., JC Cullon, at Mama Abet na nagpatalbugan sa rampahan at talakan this Friday.
Kung sa stage ay with high honors siya sa pagrampage, sa eskwela si Kathryn naman ang maestra. Sa bawat kilos niya at salita, damang-dama how passionate she is. Pero ang nakakalungkot, larawan siya ng isang guro na humaharap sa isang krisis. Nag-open up ang kandidata tungkol sa karanasan nilang mga guro na iba ang subject na itinuturo sa field na pinag-aralan nila. Hindi rin maiwasan na mag-react ni Meme Vice, na naniniwalang bagama’t versatile ang mga guro, hindi dapat inaabuso ang versatility na ‘to.
Maya-maya pa ay binitbt ni Kathryn ang husay niya sa pagchukchak sa Wit Lang round versus JC. Nabunot ni Kathryn ang tanong na, “Kung si JUAN ay tamad, ano si TWO?” Ang kay JC naman, “Kung si Vice ay ganda, sino ang chaka?”
Dahil sa markadong talak ni Kathryn, hndi tinamad ang mga hurado na magbigay ng magandang grado. Siya ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day sa araw na ‘to.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.