Saturday, October 31, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

‘Exhibitionist’ na nanghipo sa dalagitang may kasamang bata arestado sa Pasig

Sinunggaban at hinipuan ng suspek sa maselang bahagi ng katawan ang dumadaan na biktima, dahilan para magsisigaw ito at tumakbo. Courtesy: Barangay Pinagbuhatan via Christopher Sitson

MAYNILA — Sapul sa CCTV ang panghihipo ng isang 21-anyos na lalaki sa naglalakad na dalagita na may kasamang bata sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, noong gabi ng Oktubre 22.

Bago ang insidente, nakuhanan nang gabi ring iyon sa isa pang CCTV ang ginagawang kalaswaan ng suspek habang naglalakad papasok sa gate ng isang eskinita sa Capistrano Street. 

Hindi nito alintana na namo-monitor na ng barangay ang kanyang ginagawa habang nakatambay at naninigarilyo sa lugar.

Ilang sandali pa, sinunggaban at hinipuan ng suspek sa maselang bahagi ng katawan ang dumadaan na biktima, dahilan para magsisigaw ito at tumakbo.

Ayon kay Kagawad Arce Lucas, hindi nagsumbong sa barangay ang biktima dahil sa sobrang takot. Nalaman na lamang umano nila ang insidente mula sa isang concerned citizen kaya kinumusta ang dalawang menor de edad.

“Takot na takot at nabigla sila sa ginawa no’ng suspek. Doon sa mga mabibiktima, huwag kayong matakot o magdalawang-isip na mag-report sa ating barangay at kapulisan para maagap na mahuli ‘yung gumagawa ng masama,” giit nito.

Agad na umalis sa lugar ang suspek matapos ang panghihipo, pero nitong Martes, Oktubre 27, timbog sya sa isang follow-up operation sa panulukan ng Fontanilla at M.H. del Pilar streets sa parehong barangay.

Nakuhanan pa ang suspek at ang kasama nitong lalaki ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Inamin ng suspek ang kahalayang ginawa habang nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

“Nakasindi po ako ng damo po. Pinagsisisihan ko po yung ginawa ko. Wag na lang po nila ako gayahin. Pasensya na po,” saad ng suspek.

Napag-alaman ng barangay na kargador ng gulay sa palengke ang suspek at nasangkot na rin sa mga naunang insidente ng pagnanakaw at gulo sa kanilang lugar.

Nakakulong na ang suspek sa Pasig City Police Sub-station 5 dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Hinihikayat naman ng mga awtoridad ang mga magulang ng mga batang biktima na sampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ang suspek.

 
KAUGNAY NA VIDEO

Leave a Reply