Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Kolette and River, magtatambal sa kilig at katatakutan sa vertical serye na “Dead Girl Walking”

Halong kilig at gulatan ang hatid ng tambalang KoVer nina Kolette Madelo at River Joseph sa kanilang vertical serye na “Dead Girl Walking,” na mapapanood lahat ng episodes simula Nobyembre 6 (Biyernes) sa iWant. 

 Ito ang unang vertical serye ng dalawa matapos mapasama sa primetime serye na “Blood Vs Duty.” 

Sa produksyon ng JRB Creative Production, iikot ang “Dead Girl Walking” kay Luna (Kolette), isang butihing estudyante na dumaranas din ng pambu-bully sa kanilang eskwelahan. Magbabago ang takbo ng kanyang buhay dahil sa ‘di inaasahang pangyayari. 

Makikilala natin si Selene na handang maghiganti sa nagpahirap kay Luna. Magiging katuwang niya sa kanyang mga plano ang campus heartthrob na si Elio (River) na kalauna’y magiging sandigan niya bilang tunay na kaibigan. Habang tinatahak ang kanilang paghahatid ng karma sa mga umapi kay Luna, mauwi kaya ang pagkakaibigan nila sa pag-iibigan? 

Makakasama rin nina Kolette at River sina Allyson McBride, Reich Alim, Hannah Vito, Desiree del Valle, at Nikki Valdez, sa direksyon ni Emerald Silvestre. 

Abangan ang “Dead Girl Walking” ngayong Nobyembre 6 sa iWant. Libre namang mapapanood ang unang limang episode nito sa TikTok, Facebook, at YouTube pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment. 

 Para mapanood ang lahat ng episodes nito, mag-subscribe sa iWant sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo. 

 Panoorin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store. 

 
More on this story: 

Leave a Reply