TV PATROL: Malacañang naglabas ng gabay sa pagsuspende ng klase
Naglabas ang Malakanyang ng gabay sa pagpapatupad ng class suspension.
Sa ilalim ng Executive Order 130, awtomatikong suspendido ang pasok batay sa abiso ng PAGASA, PHIVOLCS o mga kaugnay na ahensya.
Kung wala namang abiso mula sa mga ahensya, pwedeng magdeklara ang mga mayor ng localized suspension, base sa mga kondisyon sa kanilang lugar.
Kung wala namang lokal na deklarasyon, may kalayaan na ang mga paaralan na magpatupad ng granular suspension.
Ayon sa Palasyo, ito ay tugon sa kritisismo sa mga deklarasyon na hindi sumasalamin sa aktuwal na kalagayan sa mga lugar.
Inaatasan rin aniya ng pangulo ang DEPED, na gabayan ang mga paaralan sa pagpapatupad ng polisiya.
TV Patrol, Martes, 3 Nobyembre 2026