Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 5 patay sa engkuwentro ng PNP vs armadong grupo sa Bacoor, Cavite

Lima ang patay sa engkuwentro sa pagitan ng pulisya at armadong grupo na layon umanong umatake sa Bacoor, Cavite. 

Nakatanggap ng intellingence report ang Bacoor PNP na papasukin ng grupo ng mga holdaper ang isang subdivision sa Bacoor, Cavite.

Kalauna’y nasundan ng awtoridad ang isa umanong kahina-hinalang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki na sinundan ng isang sedan.

Nang mapagtanto umano ng mga suspek na natunton na sila ng awtoridad, dito na nagsimula ang habulan at palitan ng putukan ng baril sa Molino Flyover.

Nagpapatrol si Francis Orcio. TV Patrol, Martes, 3 Nobyembre 2026.

Leave a Reply