TV PATROL: 2 Chinese arestado; nahulihan ng halos 350 kilo ng smuggled at hot meat sa Pasay City
Arestado sa entrapment operation ang dalawang Chinese matapos mahulihan ng iba-ibang frozen meat products na walang kaukulang dokumento sa isang bahay sa Pasay City nitong Martes ng gabi.
Ayon sa National Meat Inspection Service, aabot sa halos 350 kilos ng samu’t saring karne ang nakumpiska, gaya ng mga imported meat ng yellow chicken, peking duck, at palaka.
Mayroon din umanong local meat ng rabbit, black chicken at gansa.
Tinatayang aabot sa mahigit 180 thousand pesos ang halaga ng mga nasabat na karne.
Sa imbestigasyon, lumalabas na ibinebenta ng mga suspek online ang mga produkto sa mas mababang presyo.
Galing umano sa China ang karamihan sa mga karne na smuggled at walang kaukulang dokumento.
Nasa kustodiya na ng NBI ang mga naaresto na mahaharap sa reklamong paglabag sa meat inspection code of the Philippines.
TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026