TV PATROL: Dalawang grupo ng kabataan nagsagupaan sa San Andres, Maynila
Sumiklab ang riot sa pagitan ng dalawang grupo ng kabataan sa San Andres, Maynila.
Sa kuha ng CCTV, tila nagkakantyawan lang ang dalawang grupo Martes ng madaling araw.
Ilang sandali pa, nagsimula nang magbatuhan ng mga bote at bato ang magkabilang panig.
May isang nagdala pa ng payong bilang panangga.
Iniimbestigahan na rin ng Manila Police District kung totoong baril ang bitbit ng isa sa mga sangkot sa gulo.
Yan ang CCTV Patrol ni Jessie Cruzat. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026.