Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV Patrol: Sako-sako pang mga labi ng alagang hayop natagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan

Humigit kumulang 30 sako o plastic na may nakasilid na patay na hayop ang natagpuan ng National Bureau of Investigation at ng animal welfare group na Luna and Furry Siblings sa tatlong magkakahiwalay na madamo at liblib na lugar dito sa Barangay Gaya-Gaya.

Malayo-layo ito mula sa magkakalapit na Barangay Minuyan Proper, Minuyan Kwatro at Minuyan Singko kung saan naunang natagpuan ang mga labi ng hayop.

Mag-a-alas kwatro ng hapon nang matunton ng mga awtoridad ang anila’y panibagong dumpsite ng mga bangkay ng aso at pusa. 

Sa tantsa ng animal welfare group, nasa halos 120 labi ng aso at pusa ang natagpuan nila.

Nakatakdang magpulong ang kinatawan ng Luna and Furry siblings, NBI at mga taga-barangay para sa mabilis na pagtugis sa kung sino mang gumawa ng krimen na ito.

TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026

Leave a Reply