Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: ‘Eala Mania’ ramdam sa Hong Kong sa pagbuhos ng suporta kay Alex Eala

Ramdam na ramdam ang ‘Eala Mania’ sa Hong Kong matapos dumagsa ang Pinoy fans para suportahan si Pinay tennis star Alex Eala sa Hong Kong Open.

Sa pagsabak sa unang round, panalo agad ang ating world number 17  laban sa Australian na si Emerson Jones, 6-4, 6-3.

Dala ang bandila ng Pilipinas, sobrang saya ng mga kababayan na pumuno ng Victoria Park center court.

Ang susunod na kalaban ni Alex ay si Tereza Valentova ng Czech Republic na dalawang beses na siyang tinalo.

Mula Hong Kong, nagpapatrol, Dyan Castillejo. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026  

Leave a Reply