TV PATROL: Prosekusyon hiniling sa ICC ang paghahain ng testimonya ng 3 dagdag testigo
Muling hiniling ng prosecutors ng International Criminal Court sa Trial Chamber III ang pormal na paghahain ng transcripts ng mga naunang nai-record na testimonya ng tatlong dagdag na testigo para sa kasong crimes against humanity ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kopya ng aplikasyon na inilabas nitong Martes, hiniling din ng prosekusyon na magiging ‘limited and focused’ ang kanilang direct examination sa naturang mga testigo na magpapabilis anila sa takbo ng paglilitis ng nasa anim na oras.
Giit nila, mahalaga at mapagkakatiwalaan ang testimonya ng tatlo na kinilala lamang bilang P-0019, P-1032 at P-1409 sa umano’y naging extrajudicial killings ng Davao Death Squad noong Davao City mayor pa si Duterte.
Ito na ang ika-8 aplikasyon ng prosekusyon sa ilalim ng Rule 68 ng ICC Rules of Procedure and Evidence.
Inaasahang magsisimula ang paglilitis ni Duterte sa November 30.