Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Vice Ganda, binalikan ang TAMIS at PAIT ng first crush! | It’s Showtime

Uso ngayon ang calorie deficit at OMAD diet. No more extra rice, bes! Pero dito sa “It’s Showtime,” hindi uso ang diet kung happiness at good vibes ang pinagsasaluhan. Calories lang ang bawasan, hindi ang tawanan kaya ang fun dito walang katapusan.

Sa Miss Q and A, talak ay hindi bitin. Busog sa wit ang mga kandidata for today’s video, sina Sashi Giggle Esmeralda, Zha-Zha Divah, at Angel Grey, in their rampa and chukchak na havey.

Si Vice Ganda, namasa ang kili-kili sa daming ganap this Wednesday. From bardagulan to kantahan, parang never-ending ang kulitan. Masarap din balikan ang tamis, pati na ang pait, ng unang pag-ibig. Ang usapang crush at rejection, idaan na lang natin ‘yan sa karaoke session! Kapag ba galing sa vacay, talagang unlimited ang energy? Ayun, muntik na namang mag-OT sina Meme!

Sa hinaba-haba ng mga pata-WOW, sa Tumpak Ganern round pa rin ang tuloy. Ang comeback-ing kandidata na si Sashi, bigo na pumaslak muli. Samakatuwid, sina Angel at Zha-Zha ang nagsalpukan sa Wit Lang.

Nabunot ni Angel ang tanong na, “Anong kasalanan ng mga bumibili sa palengke at lahat sila humihingi ng tawad?” At pati kayo sigurdong mapapaisip sa tanong na napili ni Zha-Zha, “Kapag nagalit ba ang basurahan, nagta-trash talk ba siya?”

Komento ni hurado Nicole Cordoves, both candidates maximized their time and platforms. Parehong magaling, pero sa dulo iisa lang ang ‘winning.’ Si Angel Grey ang itinanghal na Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Leave a Reply