Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV Patrol: Ex-Rep. Dong Gonzales naghain ng ‘not guilty plea’ sa kasong graft

Naghain ng ‘not guilty plea,’ si dating Pampanga Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales sa Sandiganbayan third division.

Ito’y sa kasong graft kaugnay ng umano’y conflict of interest sa 264-million flood control project.

 Bukod pa ito sa dalawang graft charges na kinakaharap niya sa sandiganbayan second at seventh divisions.

 Nauna nang naghain ng piyansa si Gonzales sa tatlong kaso.

 Iginiit ni Gonzales na hindi siya nakialam sa mga proyekto sa kanyang distrito. 

 Huminto na rin umano siya sa pagiging contractor mula noong 2007 nang mahalal siyang congressman.

 Itinakda ang pre-trial sa kaso ni Gonzales sa December 4. TV Patrol, Biyernes, Nobyembre 6, 2026

Leave a Reply