TV Patrol: Ombudsman Remulla magsasagawa ng surprise visits sa QC jail sa Payatas
Inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magsasagawa siya ng surprise visit sa Quezon City Jail kasunod ng mga balitang nakalabas si dating House Speaker Martin Romualdez.
Samantala, maghahain ng reklamo si Remulla sa DICT at sa isang social media site dahil sa kumakalat na fake news.
Tiniyak ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sorpresa siyang bibisita sa Quezon City Jail sa Payatas kung saan nakakulong ang ilang politikong humaharap sa mga kaso.
Naalarma aniya siya sa mga balitang nakalalabas ng piitan Si Leyte Rep. Martin Romualdez.
Nauna nang itinanggi ng Bureau of Jail Management and Penology na lumalabas si Romualdez ng kulungan.
Binawi na ng kolumnistang si Ramon Tulfo nitong Huwebes ang nauna niyang alegasyong labas-masok sa detention facility ang dating house speaker. TV Patrol, Biyernes, Nobyembre 6, 2026