TV PATROL: SC pinagtibay ang batas para sa term extension, pagpapaliban ng BSKE
Ipinagtibay ng Korte Suprema ang batas na nagpapalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan at nagpapaliban sa halalan na isasagawa dapat ngayong buwan.
Sa desisyon nitong October 14 na inilabas ngayon lang Biyernes, ibinasura ng Kataas-Taasang Hukuman ang petisyon ni election lawyer Romulo Macalintal na kumukwestyon sa Republic Act 12326.
Binanggit din ng Korte Suprema ang naunang pag-aalala ng mga mambabatas na baka maapektuhan ang paghahanda para sa Halalan sa 2028 kung itutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 2027.
Ikinalugod naman ni Commission on Elections chair George Garcia ang desisyon ng Korte Suprema na aniya’y magtatanggal sa anumang duda sa RA 12326. TV Patrol, Biyernes, 6 Nobyembre 2026.