Monday, November 9, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Ama suspek sa pagtatapon ng fetus sa tambak ng basura sa QC

Hawak na ng Quezon City Police District ang lalaking nagtapon ng fetus sa tambak ng basura sa Barangay North Fairview nitong Undas. 

Lumabas sa imbestigasyon na mismong ama ng fetus ang suspek. 

Sumuko siya sa kagawad ng barangay at nasa kustodiya na ng QCPD. Inamin ng suspek na ililibing dapat sa sementeryo ang fetus pero nagpasya siyang itapon na lang ito sa tambak ng basura. 

Lumabas sa autopsy na stillbirth o patay na ang fetus nang mailuwal ito.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree no 856 o Sanitation Code of the Philippines ang suspek. 

Exclusive nagpapatrol, Jeff Caparas. TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026

Leave a Reply