TV PATROL: Ateneo coach Louie Alas pinatawan ng 2-game suspension ng UAAP
Pinatawan ng UAAP ng dalawang game na suspensyon si Ateneo de Manila University head coach Louie Alas.
Ito’y dahil sa kanyang panduduro at pagmumura kay University of the Philippines forward Jacob Bayla matapos itong mag-dunk sa mga huling segundo ng laro noong Sabado kahit lamang na ang Fighting Maroons sa Blue Eagles ng anim na puntos.
Muling kinompronta ni Alas si Bayla sa post-game handshake at nakipagsagutan din kay UP assistant coach Christian Luanzon kahit pa may mga umaawat na sa kanya.
Binanggit din ng UAAP sa kanilang desisyon ang technical foul na itinawag laban kay Alas sa unang quarter dahil sa unsportsmanlike behavior.
TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026.