Monday, November 9, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: DOTR ipinatupad ang mga hakbang para mabawasan ang siksikan sa LRT-1 PITX station

Good news!

Sinimulan na ng Department of Transportation na ipatupad ang mga hakbang para mabawasan ang siksikan at mahabang pila sa LRT-1 PITX station na inirereklamo ng ilang pasahero.

Binuksan ang pedestrian lane para agad makatawid ang mga pasahero mula sa bus bay papuntang istasyon.

Maglalagay din ng signages para gabayan ang mga pasahero sa ticketing booth sa ground floor ng istasyon.

Magdadagdag din ng mga ticket booth sa labas ng entrance ng istasyon sa loob ng PITX mall bago magpasko, kasama ang mga karagdagang gate para mas mapabilis ang pagpasok at paglabas ng mga pasahero.

Target namang simulan sa susunod na taon ang pagpapatayo ng pedestrian walkway na magdurugtong sa LRT-1 station at PITX.

Nagpapatrol, Izzy Lee. TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026 

Leave a Reply