TV PATROL: Davao City Accountant Vingelin Bajan ginisa dahil sa umano’y paligoy-ligoy na sagot
Ginisa ng prosekusyon at maging ng mga senator judge ang City Accountant ng Davao City dahil sa mga umano’y pag-iwas sa pagsagot tungkol sa kanyang kaugnayan sa kumpanya na konektado sa mga negosyo nina Vice President Sara Duterte at asawa niyang si Manases Carpio.
Hindi na naikubli ng mga senator judge ang pagkayamot sa anila’y paligoy-ligoy na sagot ni Vingelin Bajan matapos maungkat na naging bahagi siya ng “Ampil, Elises, Ciudadano and Co” — isang accounting firm sa Davao City.
Lumabas sa paglilitis na si Thelma Ciudadano ay naging guro ni Bajan at nagpasok sa kaniya sa naturang accounting firm noong 2003.
Nagpapatrol si Katrina Domingo. TV Patrol, Martes, 10 November 2026.