TV PATROL: DOTR naglabas na ng listahan ng mga flight na maaapektuhan ng 49th ASEAN Summit
Naglabas na ang Department of Transportation ng listahan ng mga flight na maaapektuhan ng idaraos na 49th ASEAN Summit sa bansa.
‘Di maiwasang mangamba ang ilang pasahero kaya hinimok sila ng kagawaran na ugaliing tingnan ang status ng kanilang flight sa mga website at communication channels ng mga airline.
Tiniyak din ng DOTr na may mga nakalaang opsyon at tulong para sa mga pasaherong maaapektuhan ang mga biyahe.
Samantala, nag-abiso ang TRB sa mga motorista na may ilalaang toll lane sa sasakyan ng ASEAN delegates.
Ipatutupad naman ng MMDA ang stop-and-go scheme sa mga lansangan sa paligid ng pagdarausan ng 49th ASEAN Summit.
Nagpapatrol, Izzy Lee. TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026