Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 2 basurero patay matapos masalpok ng van

Patay ang dalawang basurero matapos masalpok ng isang van habang nangongolekta ng basura sa Cauayan City, Isabela.

Ayon sa pulis, nasa likod ng garbage truck ang dalawang biktima nitong Huwebes at naghihintay ng ilalabas na basura ng isang restaurant.

Bigla namang dumating ang humaharurot na van at sinalpok ang dalawa.

Isinugod sila sa pagamutan pero idineklara nang dead on arrival.

Nasa maayos namang kalagayan ang driver ng van na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.

TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.

Leave a Reply