Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Extradition arrest warrant inilabas ng korte vs Quiboloy, 2 kapwa akusado

Ipinaaaresto na ng extradition court sa Makati City si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa patong-patong na kaso sa Estados Unidos.

Ayon sa Department of Justice, kasama ni Quiboloy na ipinapaaresto ng korte sina Teresita Dandan at Helen Panilag na kasama niyang nahaharap sa mga kasong international human trafficking, sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling sa Amerika.

Itinanggi naman ng Palasyo na ginawa ang hakbang para sa extradition ni Quiboloy dahil paparating si US President Donald Trump sa Maynila para dumalo sa ASEAN Summit. 

Noong Agosto pa nakarating sa Pilipinas ang pormal na hiling ng Estados Unidos para sa extradition ni Quiboloy.

Nagpapatrol, Adrian Ayalin. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.

Leave a Reply