TV PATROL: 9 ‘persons of interest’ natukoy sa pamamaril sa hukom sa Zamboanga City
May natukoy nang persons of interest ang pulisya sa pagpatay sa isang hukom sa Zamboanga City.
Sa follow-up operation, narekober ng pulisya ang isang inabandonang puting motorsiklo na hinihinalang ginamit ng mga suspek.
Naniniwala ang awtoridad na nasa Zamboanga City pa ang mga salarin, matapos paigtingin ang checkpoints sa iba-ibang bahagi ng lungsod kasunod ng pananambang.
Nag-alok naman ng P2 milyong pabuya ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City para sa agarang pag-aresto sa mga salarin.
Nagpapatrol, Queenie Casimiro. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.