TV PATROL: Libo-libong estudyante sa buong bansa nagprotesta vs Pax Silica, pagbisita ni Trump
Nagprotesta ang libo-libong estudyante sa buong bansa laban sa Pax Silica project.
Nagtipon sa Taft Avenue sa Maynila ang mga mag-aaral mula sa iba-ibang unibersidad.
Lumahok din sa walkout at nagmartsa sa Katipunan sa Quezon City ang mga estudyante sa mga kalapit na unibersidad.
Nagprotesta din ang mga unibersidad sa benguet.
Bukod sa pagkundena sa Pax Silica project, tinututulan din ng ilang estudyante ang pagdating ni US President Donald Trump sa bansa para sa ASEAN Summit.
TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.