TV PATROL: Elevator sa EDSA-Guadalupe busway overpass naisaayos na
Naisaayos na ang mga sirang elevator sa EDSA-Guadalupe busway overpass matapos personal na ipaabot ng isang senior citizen ang kanyang reklamo tungkol dito.
Inanunsyo rin ni Transportation Secretary Vince Dizon na DOTR na ang mangangasiwa sa buong busway operations at sa mga footbridge simula sa susunod na taon.
Isa rin sa mga problemang tututukan ng ahensya ang pagnanakaw ng mga kable ng elevator.
Babala ni Dizon, hihigpitan din nila ang seguridad para mapigilan ito. May babala rin siya sa mga mahuling magnanakaw ng mga kable.
Nagpapatrol, Eon Sanchez. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026Â