Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Estudyanteng sangkot sa pambu-bully sa Ateneo de Davao, pinatalsik na

Pinatalsik na ng Ateneo de Davao University ang junior high school student na sangkot sa isang insidente ng bullying sa loob ng palikuran ng paaralan noong November 5. 

Sa opisyal na pahayag na inilabas sa kanilang social media page, sinabi ng unibersidad na natapos na nito ang kaukulang disciplinary proceedings laban sa estudyante na napatunayang responsable sa insidente. 

Matatandaang nag-viral sa social media ang video kung saan makikitang sinisipa ng nasabing estudyante ang isa pang kapwa lalaking mag-aaral sa loob ng banyo, pinapalo ng mop, at hinahampas ng sinturon. 

TV Patrol, Biyernes,13 Nobyembre 2026.

Leave a Reply