Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Singil sa kuryente ng Meralco tataas sa November billing

Inanunsyo na ng Meralco ang magiging dagdag-singil sa kuryente para sa paparating na November billing.

Ayon sa Meralco, tataas ng 49 centavos kada kilowatt-hour ang kanilang singil.

Katumbas ito ng dagdag na humigit-kumulang 98 pesos sa kabuuang bill ng mga kumo-konsumo ng nasa 200 kilowatts per hour kada buwan.

Pangunahing nagtulak umano sa pagtaas ng singil ngayong buwan ay ang pagmahal ng generation charge.

Nagdulot umano ito ng mas mataas na singil ng mga power supplier, na apektado pa rin ng humihinang halaga ng piso at ng krisis sa Gitnang Silangan.

TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026 

Leave a Reply