TV Patrol: Rollback sa presyo ng petrolyo namumuro ulit sa susunod na linggo
May inaasahang panibagong oil price rollback sa susunod na linggo, batay sa ika-apat na araw ng trading sa world market.
Maglalaro sa apat hanggang limang piso kada litro ang bawas-presyo sa diesel tatlo hanggang apat na piso naman sa gasolina.
Maaari pang magbago ang eksaktong halaga depende sa huling araw ng trading ngayong Biyernes at sa palitan ng piso kontra dolyar.
Pangunahing dahilan ng rollback ay ang pagbaba ng tensyon sa Gitnang Silangan. Bumaba ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado dahil sa pag-asa ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Amerika at Iran.
TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026