TV PATROL: Tindero ng gulay arestado sa lantarang pagbebenta ng droga sa Marikina
Arestado ang isang tindero na bukod sa mga gulay ay lantaran din umanong nagtitinda ng hinihinalang shabu sa mga kargador sa isang palengke sa Marikina City.
Itinaboy sila ng galit na stall owner nang makita ang mismong abutan nila ng droga at pera.
Agad nagkasa ng buy-bust operation ang pulisya at tuluyang naaresto sa palengke ang suspek.
Bukod sa P500 na buy-bust money, nasamsam din sa suspek ang nasa P45,000 na halaga ng ilegal na droga.
‘Yan ang CCTV Patrol ni Christopher Sitson. TV Patrol, Biyernes, 13 Nobyembre 2026.