TV PATROL: Libo-libong flights naantala dahil sa telecoms outage sa US
Libo-libong biyahe ng mga eroplano ang naantala bunga ng ilang oras na flight disruption sa Estados Unidos dulot umano ng telecommunications outage.
Iniutos ng Federal Aviation Administration ang nationwide groundstop.
Sa kabila ng aberya, tiniyak ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na tuloy pa rin ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas para sa ASEAN Summit.
Matapos ang mahigit apat na oras mula nang magkaaberya, binuksan na rin ang US airspace.
Nagpapatrol, Jessie Cruzat. TV Patrol, Sabado, 14 Nobyembre 2026