Wednesday, November 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Driver at rider sugatan sa salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Iloilo

Nagsalpukan ang motorsiklo at tricycle sa Tigbauan, Iloilo nitong Linggo.

Sa kuha ng CCTV, magyu-u turn sana ang tricycle kahabaan ng kalsada sa barangay buyu-an nang salpukin ng paparating na motorsiklo. 

Sa lakas ng bangga, parehong natumba sa kalsada ang mga sasakyan. 

Nagtamo naman ng minor injuries ang parehong driver.

Sugatan din ang dalawang rider matapos magbangaan sa national highway  ng barangay Barucboc, Quezon, Isabela. 

Papaliko ang isang motorsiklo nang bigla itong mabangga ng isa pang paparating na motorsiklo mula sa likuran.

Tumilapon ang dalawang rider at nagtamo ng mga sugat sa iba-ibang bahagi ng kanilang katawan. Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente. 

TV Patrol, Lunes, 16 Nobyembre 2026 
    

Leave a Reply