Wednesday, November 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Chinese at 3 Pinoy arestado sa tangkang pagdukot sa negosyanteng Chinese

Nakaligtas ang isang negosyanteng Chinese sa tangkang pagdukot sa Silang, Cavite.

Naaresto naman ang mga suspek kabilang ang isang Chinese at tatlong Pilipino.

Motibo sa pagdukot ang higit apat na raang libong utang umano ng biktima.

Sabi ng mga awtoridad, pinagplanuhan ng mga suspek ang pagdukot.

Ang unang pagtatangka umano ay nabigo sila dahil wala ang biktima sa kaniyang opisina.

Nabawi pa sa mga suspek ang dalawang hindi lisensyadong baril at isang patalim.

Sinampahan na ang mga naaresto ng reklamong attempted kidnapping at illegal possession of firearms and ammunitions.

Exclusive, nagpapatrol, Dennis Datu. TV Patrol, Lunes, 16 Nobyembre 2026 

    

Leave a Reply