TV PATROL: 4 bagong housemates pasok na sa ‘PBB: Collab Edition 3.0’
Sunod-sunod ang mga pasabog sa ‘Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0!’
Matapos ang unang eviction night, may bagong nominasyon habang apat na bagong housemates ang pumasok sa bahay ni Kuya.
Kakaiba naman ang naging pagpapakilala ni Kuya sa bagong housemates dahil ang natitirang housemates ay inatasang maging ‘hotel staff’ sa pangunguna ng ‘PBB’ house guest na si Robbie Jaworski.
Inatasan din sila ni Kuya na linisin ang makalat na ‘penthouse suite’ para sa VVIP guests na lingid sa kaalaman nila ay ang bagong housemates.
Samantala, agaw-atensyon ang lumalakas na tandem nina Jeo Ong at Gehlee Dangca na kinakiligan sa episode nitong Lunes nang binigyan ni Jeo ng bracelet si Gehlee na nasira naman nito.
Nagpapatrol, Ganiel Krishnan. TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026.