TV PATROL: Julie Anne, Gary V, SB19 nagtanghal sa ASEAN Summit; Timor Leste PM nakisayaw
Naging makulay ang performances sa closing ceremony ng ASEAN Summit tampok ang Pinoy artists na talaga namang ipinagmamalaki ng bansa.
Kasama sa mga nag-perform ang singer na si Julie Anne San Jose at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Kinanta naman ng Kings of P-pop at Grammy nominees SB19 ang kanilang hit song na ‘Gento’ at ang official ASEAN 2026 song na ‘Together In Motion.’
Pero hindi lang Pinoy artists ang nag-perform dahil pati ang Prime Minister ng Timor Leste na si Xanana Gusmão ay game na game ring nakisayaw kasama ang Pinoy dance groups.
TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026.