Saturday, November 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Bawas-presyo sa petrolyo umarangkada; rollback sa susunod na linggo namumuro ulit

Nagpatupad ng rollback sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong Martes, November 17.  

Tatlong piso at walumpung sentimo ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel. 

Ang gasolina, may rollback na uno-singkwenta kada litro, at 5-pesos at 80-centavos naman sa kada litro ng kerosene. 

Ito na ang ikalawang sunod na linggo na may rollback sa petrolyo, pero posible pa itong masundan sa susunod na linggo. 

Base sa unang dalawang araw ng trading sa world market, patuloy ang pagbaba ng presyo ng langis. 

Pangunahing dahilan ang mas maraming suplay dahil sa pagtaas ng produksyon at pagluwag ng pagbiyahe ng mga tanker sa Strait of Hormuz, at paghupa ng pangamba sa tensyon sa Middle East. 

TV Patrol, Martes, 17 Nobyembre 2026

Leave a Reply