Friday, November 20, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: NBI: Mga urn na ibinigay ng pet crematorium hindi abo ng hayop ang laman

Lumabas sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation na hindi abo ng hayop ang laman ng mga urn na galing sa isang pet crematorium at isinumite ng fur parents sa ahensya.

Nakumpirma sa forensic examination ng NBI na silicon, iron, potassium, and aluminum ang ilan sa mga materyal na nakita sa mga naturang abo.

Hinala ng Philippine Animal Welfare Society, nilagyan lang ng iba-ibang materyales ang mga urn para mapaniwala ang mga fur parents na na-cremate ang kanilang mga alaga.

Nangyari ang pagsusuri matapos pumutok ang balitang itinatapon lang umano ng Ahjay Paws Aftercare pet crematorium ang labi ng mga alagang hayop na ipina-cremate sa kanila.

Patuloy na sinisikap ng ABS-CBN News na kunin ang panig ng Ahjay Paws Aftercare.

Nagpapatrol, Zyann Ambrosio. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.

Leave a Reply