Friday, November 20, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Christmas bazaar sa Valenzuela People’s Park dinarayo

Sa mga naghahanap ng mapapasyalan ngayong Kapaskuhan, tara na sa Valenzuela!

Tampok sa kanilang Christmas bazaar ang mga panregalo, pang-OOTD sa Christmas party at samu’t saring pagkain at palamig.

Naging bonding time na rin ng mga pamilya ang pag-iikot sa bazaar para mag-food trip.

Maging ang ilang estudyante dumayo na agad dito para sa after school bonding.

Ikinatuwa naman ng mga nagtitinda na tiba-tiba ang kanilang kita sa Christmas bazaar kahit November pa lang.

Live sa Valenzuela People’s Park, nagpapatrol si Lyza Aquino. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.

Leave a Reply