TV PATROL: Mikee Cojuangco-Jaworski surpresang bumisita sa ‘PBB Collab 3.0’
Surpresang bumisita ang dating aktres at equestrian na si Mikee Cojuangco-Jaworski sa Pinoy Big Brother house.
Nakipagkwentuhan at tumikim pa siya ng luto ng housemates at nanood ng tinawag niyang ‘best plastic ball game ever.’
Kwento pa ni Mikee, feeling close siya sa housemates na hindi na niya kailangang tingnan ang nametags.
Pero ang pinakaespesyal para kay Mikee ay ang reunion nila ng kanyang anak na si Robbie, ang kanilang panganay na anak ni Dodot Jaworski, na anak naman ng basketball legend na si Robert Jaworski.
Naunang ipinakilala si Robbiee bilang isang house guest at hindi opisyal na housemate ng ‘Pinoy Big Brother Collab Edition 3.0.’
Nagpapatrol, Ganiel Krishnan. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.