TV PATROL: Concert ni Yeng Constantino nagpakilig sa pagsali ni Ryan Bang sa ‘Chinito’
Sold-out ang dalawang gabing concert ni Yeng Constantino na nagkaroon ng bonus na pampakilig nang surpresang sumama si Ryan Bang sa kantang ‘Chinito’.
Una nang inamin ni Yeng na naging crush niya noon si Ryan kaya ganoon na lang ang sigawan ng mga nanood ng kanyang ‘Biyaheng Bente’ concert.
Samantala, niyanig ng ‘ASAP XP’ ang Santiago Sports Arena sa Isabela sa kanilang jampacked back-to-back shows nitong weekend.
Mahigit 8,000 ang mga nakapanood ng ‘ASAP XP’ na mapapanood din sa Linggo, November 22, 7:00 ng gabi.
Dadalhin naman ni Ice Seguerra ang kanyang ‘Pagdating Ng Panahon’ world tour sa London na bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng kanyang hit song.
Nagpapatrol, MJ Felipe. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.