TV PATROL: Video ng apoy ipinalabas habang nanguna si Cayetano sa panalangin
Isang dating imbestigador ng Anti-Money Laundering Council ang isinalang na testigo ng depensa sa impeachment trial para salagin ang ilan sa mga bintang laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa pagsalang ni Atty. Rainer Dela Fuente sa witness stand, ginamit ng depensa ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating vice president, ngayo’y Mayor Leni Robredo na nagpapakitang may dineklara rin silang mga interes sa negosyo.
Iginiit din ng depensa na ‘confidential’ at hindi dapat basta nilalabas ang mga ulat ng AMLC dahil kailangan muna itong berepikahin ng ahensiyang nag-iimbetsiga ng kaso.
Samantala, nag-umpisa ang paglilitis sa panalangin ni Senator-judge Alan Peter Cayetano na biglang natabunan ng video ng apoy bago nailipat ang tutok ng camera sa ibang anggulo.
Sinita ito ni presiding officer, Senator-Judge Francis Escudero sa Public Relations and Information Bureau ng Senado at pina-edit ang livestream ng paglilitis.
Live mula sa Senado, nagpapatrol si RG Cruz. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.