Thursday, November 19, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Elon Musk sumaglit umano sa PH para samahan si Trump bago pumunta sa China

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez sa panayam sa ANC na sumaglit sa Pilipinas si Elon Musk, ang pinakamayamang tao sa buong mundo.

Aniya, lumapag dito si Musk para lumipat sa Air Force One at samahan si Trump sa biyahe nito sa China.

Pero giit ni Romualdez, may interes ang tech tycoon dito sa Pilipinas. 

Samantala, aabot sa mahigit $17 billion na halaga ng commercial deals at investments sa mga Amerikanong kumpanya sa Southeast Asia ang napagkasunduan bunga ng pagbisita ni United States President Donald Trump sa Maynila para sa ASEAN Summit. 

Sa isang pahayag, kapwa nangako sina Trump at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tatanggalin ang trade deficit ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpaparami ng inaangkat na produktong pang-enerhiya at agrikultura ng Pilipinas mula sa Amerika.

TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.

Leave a Reply