TV PATROL: Ilang pelikula sa MMFF 2026 nagsimula nang gumawa ng ingay
Nagsimula nang gumawa ng ingay ang ilang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong 2026 kabilang ang ‘A Perfect Marriage’ nina Kim Chiu at Paulo Avelino at ‘The Greatest Showdown’ nina Vice Ganda at Vic Sotto.
Magpapaluha naman pero may halong pagpapasaya ang pelikulang ‘Little Hope’ nina Yassi Pressman at Pepe Herrera habang isang masalimuot na tagpo sa kasaysayan ang sentro ng pelikulang ‘Los Salvajes Bravos’ na pagbibidahan ni Romnick Sarmenta.
Hindi man kabilang sa MMFF ngayong taon, sakto sa unang araw ng Simbang Gabi ilalabas ang biopic tungkol kay Father Rudy Romano, isang paring aktibista na desaparecido at gagampanan ni JC Santos.
Aminado naman sa bigat at hirap ng tema ng pelikulang ‘Romano’ ang direktor nitong si JL Burgos, na kapatid ng isa pang desaparecido na si Jonas Burgos.
Nagpapatrol, MJ Felipe. TV Patrol, Huwebes, 19 Nobyembre 2026.