Saturday, November 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: AFP prayoridad ang armas, missile systems

Uunahin ng Armed Forces of the Philippines ang pagkuha ng ‘kinetic capabilities’ o mga armas, tauhan at operasyong gumagamit ng direktang pisikal na puwersa at paggalaw partikular sa mga missile systems. 

Ito’y matapos i-anunsyo ng Estados Unidos ang dalawang bilyong pisong halaga ng ‘foreign military loan package’ para sa Pilipinas. 

Paliwanag ng AFP, ang kinetic weapon systems ay ginagamit para sa ‘deterrance’ o mapigil ang anumang pag-atake sa bansa. 

Ayon kay AFP Chief Of Staff Gen. Antonio Nafarrete, prayoridad ng militar ang paglago ng kakayahang pangdepensa, at pagpigil sa mga posibleng banta sa seguridad ng bansa. 

Dagdag pa ni Nafarrete, dahil hindi nawawala ang mga dayuhang barkong pandigma sa ‘sea lines of communication’ ng Pilipinas, partikular ang sa China’s People’s Liberation Army Navy, kailangan talagang palakasin ang ‘deterrence capabilities’ ng bansa. 

Kasabay nito, sinusubukan na rin ang mga bagong armas at sistema, para sa Philippine Army, Air Force at Navy sa 10th iteration ng AFP joint exercises. TV Patrol, Biyernes, 20 November 2026.

Leave a Reply