TV PATROL: R’Bonney Gabriel, Mario Lopez main hosts ng 75th Miss Universe
Kasado na ang magiging hosts ng Diamond Edition ng Miss Universe pageant na gaganapin sa Puerto Rico sa susunod na linggo.
Nagbabalik sa Miss Universe stage ang Fil-Am at Miss Universe 2022 na si R’Bonney Gabriel katambal ang American host na si Mario Lopez na magsisilbing main hosts ng pageant.
Makakasama nilang magbibigay ng komentaryo ang American TV host na si Zuri Hall at si Miss Universe 1993 Dayanara Torres na tubong Puerto Rico.
Mga kapwa Puerto Rican naman ni Dayanara ang magsisilbing hosts sa iba pang events gaya ni Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera para sa national costume competition sa November 21 at Miss Universe 2001 Denise Quiñones sa preliminary competition sa November 22.
Samantala, may tsansa naman ang Pinoy pageant fans na matulungan si Miss Universe Philippines Bea Millan-Windorski dahil nagbukas na rin ang fan vote para sa Miss Universe. TV Patrol, Biyernes, 20 November 2026.