TV PATROL: DepEd namahagi ng laptops sa public school teachers sa Antipolo
Namahagi ang Department of Education o DepEd ng laptops sa mahigit 1,400 guro sa mga pampulikong eskwelahan sa Antipolo City ngayong Biyernes.
Ipinamahagi ang mga gadget sa animnapu’t dalawang public schools, na sakop ng DepEd Computerization Program.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara may pamantayang silang mahigpit na sinusundan sa pagpili ng mga gurong makatatanggap ng laptop.
Kasabay ng pamamahagi inilunsad ng kagawaran ang hands-on training program na Guro XL. Layon nitong tulungan ang mga teacher na lubos na mapakinabangan ang teknolohiya sa kanilang pagtuturo.
TV Patrol, Biyernes, 20 November 2026.